Mga Lokasyon Manood Patungkol Kumalinga Magbigay
Menu My Dashboard

Tungkol sa Amin

Kami ay umiiral upang agarang bigyan-gabay ang mga tao na magsabi ng “oo” kay Jesus at sa kanyang mga layunin para sa kanilang buhay.

Nagsimula ang Saddleback Church sa dalawang church planter, isang pangarap, at isang mapa. Binigyan ng Diyos si Pastor Rick at Kay Warren ng pangarap na makapagtatag ng simbahan para sa mga taong ayaw sa simbahan, at dinala sila sa Southern California. 

Ang una nating pagtitipon ay naganap noong Abril 6, 1980. Sa sumunod na 43 taon, nasaksihan natin ang Diyos na gumawa ng himala matapos ang isa pang himala sa gitna ng paglilipat natin ng lokasyon, paglikom ng pera para makapagtayo ng permanenteng mga gusali, pag-uumpisa ng mga campus sa California at sa buong mundo, at pagbabautismo ng higit 50,000 tao.

Noong Setyembre 2022, sinalubong natin si Pastor Andy Wood bilang bago nating punong pastor. Sa paghakbang natin tungo sa hinaharap, naniniwala tayong higit pa ang gagawin ng Diyos sa anumang hihilingin natin o maiisip. Nasa hinaharap ang pinakamagagandang araw natin, at nananabik tayong makita ang lahat ng gagawin ng Diyos upang mabago ang maraming buhay sa mga darating na taon!

Plan A Visit

Our Leadership

Si Pastor Andy at Stacie Wood

Si Pastor Andy Wood at ang kanyang pamilya ay lumipat sa Orange County noong summer ng 2022 para sundin ang tawag ng Diyos na pamunuan ang Saddleback Church. Si Pastor Andy ay may matinding pagnanais na humubog ng mga pinuno at magtayo ng mga simbahang nagbibigay-buhay sa lahat ng dako ng mundo. Sila Andy at Stacie ay may tatlong anak: Cademon (17), Sammy (15), at Karis (10).

Para sa Iyong Pamilya

Mga bata

Ang Saddleback Kids ay naghahatid ng kasiyahan at mga programang akma sa edad ng bata, at mag-uugnay sa iyong mga anak sa Diyos at sa ibang tao.

Mga mag-aaral

Tingnan ang ating mga ministry para sa junior high, high school, at college students!

Mga Magulang

Kumuha ng mga libreng resources na magpapasigla at tutulong sa iyong paglalakbay bilang magulang.

What we believe about:

Ang Diyos

Ang Tao

Walang Hangganan

Si Jesus

Kaligtasan

Walang Hanggang Seguridad

Ang Espiritu Santo

Ang Biblia

Marriage

Our Beliefs
Activate

Discover God’s purposes for your life

Step into your calling as you grow in your faith, connect in friendship, and use your gifts to make a difference.

Frequently Asked Questions

Anong uri ng simbahan ang Saddleback?

Ang Saddleback Church ay isang lugar kung saan, kahit sino ka man o saan ka man nagmula, may lugar ka rito na maramdaman ang pagmamahal at pagtanggap!

Saan matatagpuan ang Saddleback Church?

Mayroon tayong 15 lokasyon sa Southern Califonia at limang international na campus! I-click dito para mahanap ang pinakamalapit na campus sa iyo. 

Kung sakaling wala pang campus na malapit sa iyo, sumali sa ating online community!

Ano ang dapat kong isuot?

Karamihan sa atin ay pangkaraniwan lamang ang sinusuot kapag dumadalo ng service — t-shirt, pantalong maong, at gomang sapatos. Puwede mong isuot ang anumang gusto mo!

Saan ako pupunta pagdating ko?

Maaari kang dumiretso sa ating Connection Center para makilala ang ating Welcome Team, at siguradong matutuwa silang samahan ka kung saan mo kailangang magpunta.

Gaano katagal ang church service?

Karaniwang tumatagal ng 60-70 minuto ang ating weekend service, kasama na ang pagsamba at mensahe.

Paano naman ang aking mga maliliit na anak at/o teenager?

Ang Saddleback Kids (SK) ang ating programa para sa mga bata hanggang ika-5 baitang. Masaya, ligtas, at akma sa gulang ang kapaligiran sa SK. Sa iyong pagdating sa campus, mayroong greeters na babati sa iyo at sasamahan ka sa ating Saddleback Kids check-in area.

Ang ating Saddleback Student Ministries (SSM) ay may mga serbisyo para sa ating junior high (ika-6–7 baitang) at high school na mga mag-aaral (ika-9–12 baitang) tuwing weekend. I-click ang mga link at tingnan kung ano ang mayroon sa inyong campus!