Mga Lokasyon Manood Patungkol Kumalinga Magbigay
Menu My Dashboard

Small Groups

Nais ka naming tulungang makahanap ng isang komunidand na makakasama mong tumawa, umiyak, at lumago sa iyong buhay espiritwal. Mas mahusay ang buhay kung sama-sama!

Find an In-Home Group

Maghanap ng grupo na may oras at lokasyon na tugma sa iyo.

Join Us on Campus

Marami sa ating small groups ang nagkikita sa isang Saddleback campus! Nagsasama-sama tayo para sumamba, hanapin ang Diyos, bumuo ng pagkakaibigan, at sumisid nang mas malalim sa Salita ng Diyos.

Start a Group

Simple lamang ang pagbuo ng grupo! Kumuha ng ilang kaibigan, humanap ng lugar kung saan maaari kayong magkita, at handa na ang lahat. At sasamahan ka pa namin para tulungan ka sa bawat hakbang.

Frequently Asked Questions

Ano ang small groups?

Sila ay mga grupo ng tatlo o higit pang mga tao na nagkikita-kita upang pag-usapan ang tungkol sa buhay, ang weekend message, at kung ano ang ginagawa ng Diyos sa kanilang buhay. Walang itinakdang formula para dito; isa lamang itong simpleng paghahanap ng mga kaibigan na makakasama mo sa hirap at ginhawa ng buhay.

Kailangan ko bang maging isang Cristiano para makasali sa isang small group?

Hindi kailangan. Ang small group ay isang magandang lugar para makabuo ka ng pagkakaibigan habang tinutuklas mo si Jesus at ang kanyang mga aral. Maaari kang magtanong at maging bukas sa anumang pag-aalinlangan mayroon ka — kahit sino ay malugod na tinatanggap!

May kailangan ba akong dalhin sa small group?

Ipapaalam sa iyo ng iyong small group host kung may kailangan kang dalhin. Minsan ito ay isang Biblia, notebook, o panulat lamang.

Gaano katagal ang isang small group meeting?

Ang karaniwang pagtitipon ay tumatagal ng halos isa’t kalahating oras, ngunit madalas na may kasama na itong kuwentuhan at merienda.

May mag-aalaga ba sa maliliit na bata sa small groups?

Depende ito sa grupo! May small groups na nag-aambagan para magbayad ng tagapag-alaga sa isang gabi o kaya naman ay naghahalinhinan ang mga magulang sa pagbabantay sa mga bata sa isang silid, depende sa edad ng mga bata. Sa palagay namin ay maganda ang maidudulot sa iyong mga anak kapag nakikita nilang naglalaan ka ng oras para sa isang malusog na komunidad!

Looking for small group HOST resources?

Our small group resources page has tips and training for new hosts, advanced resources for veteran hosts, Spiritual check ups and studies for everyone. Find everything you need for your small group there.