Saddleback Church {{info.name}}
{{ info.address1}}{{ info.address2 != null ? ', ' + info.address2 + ',' : '' }} {{info.city}}, {{info.region}} {{info.postalCode}} {{ info.country != 'USA' ? info.country : '' }}Ang Saddleback Church ay walang denominasyon na simbahan. Sino o saan ka man nanggaling, makakaramdam ka rito ng pagmamahal at mainit na pagtanggap.
Mayroon tayong 15 lokasyon sa Southern Califonia at limang international na campus! I-click dito para mahanap ang pinakamalapit na campus sa iyo.
Kung sakaling wala pang campus na malapit sa iyo, sumali sa ating online community!
Karamihan sa atin ay pangkaraniwan lamang ang sinusuot kapag dumadalo ng service — t-shirt, pantalong maong, at gomang sapatos. Puwede mong isuot ang anumang gusto mo!
Maaari kang dumiretso sa ating Connection Center para makilala ang ating Welcome Team, at siguradong matutuwa silang samahan ka kung saan mo kailangang magpunta.
Karaniwang tumatagal ng 60-70 minuto ang ating weekend service, kasama na ang pagsamba at mensahe.
Ang Saddleback Kids (SK) ang ating programa para sa mga bata hanggang ika-5 baitang. Masaya, ligtas, at akma sa gulang ang kapaligiran sa SK. Sa iyong pagdating sa campus, mayroong greeters na babati sa iyo at sasamahan ka sa ating Saddleback Kids check-in area.
Ang ating Saddleback Student Ministries (SSM) ay may mga serbisyo para sa ating junior high (ika-6–7 baitang) at high school na mga mag-aaral (ika-9–12 baitang) tuwing weekend. I-click ang mga link at tingnan kung ano ang mayroon sa inyong campus!